Unsere einzigartigen Trauringe wie wir sie uns wünschen

Hallo ihr Lieben,

letzte Woche habe ich euch berichtet, dass wir nun nur noch vier Monate Zeit haben, auch die letzten Dinge für unsere Hochzeit fertig zu planen. Und mein Hochzeitsplaner, den ich mir ja extra gekauft habe (nicht einen Menschen versteht sich), sagt mir, dass es jetzt an der Zeit ist, die richtigen Hochzeitsringe zu kaufen.

Wir haben uns dazu entschieden, unsere eigenen Hochzeitsringe zu gestalten. Dazu wollen wir uns unsere Hochzeitsringe individuell mit Hilfe eines Konfigurators zusammenstellen. Das soll ganz einfach sein – viele meiner Freundinnen haben es auch schon gemacht. Keine von ihnen ist zwar bereits verheiratet – aber ihr wisst ja, wie das als Frau ist.. Da macht man sich schon vorher gern Gedanken über eine mögliche Hochzeit.

Also haben wir uns jetzt mal einen Abend Zeit genommen, um uns unsere ganz eigenen Trauringe zu gestalten. Und da ist die Auswahl gar nicht so einfach. Man kann sich zwischen verschiedenen Legierungen entscheiden – für uns fiel die Wahl auf Eheringe aus rhodiniertem Weißgold. Wenn man sich da entschieden hat, geht es direkt weiter. Außerdem muss man sich nämlich für ein Ringprofil, die Maße des Rings und den Steinbesatz sowie die Gravur entscheiden. Und da hatten wir schon größere Probleme. Denn wir wussten beide unsere Ringgröße nicht. Und auch mit den Ringprofilen hatten wir unsere Schwierigkeiten, denn normalerweise tragen wir keine Ringe.

Aber zum Glück gab es auch dafür online die Lösung: Wenn man nämlich die Hochzeitsringe fertig konfiguriert hatte, konnte man sich bei einem Juwelier in seiner Nähe einen Termin geben lassen und all die Fragen, die man noch hat, dort vor Ort und persönlich stellen. Die Sache mit dem persönlichen Beratungsgespräch fanden wir super und das war auch einer der Gründe, warum wir uns letztendlich für die Konfiguration unserer Trauringe entschieden haben. Denn vor Ort, beim Juwelier, kann man dann alle möglichen Trauringprofile aus- und anprobieren. Und dort haben wir uns auch für unsere endgültigen Hochzeitsringe entschieden. Jetzt müssen wir nur noch warten, bis sie endlich bei unserem Juwelier ankommen, dann können wir sie abholen und den Rest der Hochzeit planen.

CIRCUS FINALE

Sa wakas ay natapos na rin ang election, medyo luminis na ng kaunti ang kapaligiran sa mga naghambalang na posters ng mga pulitiko. Wala na akong nakitang malalaking larawan ng mga pulitiko sa elliptical road dito sa QC, salamat naman. Nakakalungkot isipin na naging madugo na naman ang nakaraang halalan. Kawawa rin ang mga guro na kailangan pang magbuwis ng buhay dahil lang sa pag-iingat nila sa mga balota. Daming namatay dahil lang sa lang sa eleksyon. Talamak na pandaraya, bilihan ng boto, at pagboto ng mga patay. Nariyan pa rin ang mga flying voter na sana nga ay may pakpak pero wala. Pati nga iyong mge foreigner na nag-obserba sa halalang ito ay nanlumo dahil sa nasaksihan nila. Hay! naku.

Pinas | election
Posted by Lani at 10:09 | Permanent Link | Comments (5)

R.I.P. – April 23, 2007

Last week ay maraming nakalulungkot na balita ang gumimbal sa akin. Noong makita ko ang mukha ni Julia Campbell sa Philippine Daily Inquirer at sinabing nawawala ito ay nakaramdam na ako ng takot para sa kaniya. Nausal ko sa isip k na sana walang masamang nangyari sa kaniya. Pero sa kasamaang-palad ay natagpuan ang kanyang bangkay sa Batad, malapit sa pamosong Rice Terraces. Nakakalungkot ang kaniyang sinapit laluna nga’t may foul play sa kaniyang pagkamatay. Kahanga-hanga si Julia, pinili niyang pumunta rito upang maglingkod sa mahihirap na pinoy. Iniwan niya ang buhay niya sa America bilang isang journalist at nakipagsapalaran siya dito sa ating bansa. Napaka-selfless niya, sa totoo lang hindi ko siguro magagawa ang nagawa niya dahil kakaiba ang tapang at dedikasyon ni Julia. Sayang dahil marami pa siyang magagandang magagawa para sa kaniyang kapwa pero may hangganan ang buhay ng tao. Sana nga lang ay hindi sa ganitong paraan natapos ang kaniyang kapaki-pakinabang na buhay sa mundo. At kung sino man ang salarin sana ay magbayad siya sa kaniyang nagawang kasalanan. Walang sinumang tao ang may karapatang kumitil ng buhay ng kaniyang kapwa. Alam kong ipinagmamalaki si Julia ng kaniyang pamilya, saludo ako sa ginawang paghubog sa kaniya ng kaniyang mga magulang dahil nagkaedad siya na hindi sarili ang inisip kundi ang mas makabubuti para sa nakararami.

Sa iyo Julia, maraming maraming salamat sa pagmamahal na ginawa mo sa aking mga kababayan. Hindi ka malilimutan ng mga pinoy dahil sa iyong kabayaniha. Isa kang bayani sa aming puso.

Sumunod na nakaka-shock na balita ay ang pamamaril sa Virginia Tech. Maraming buhay din ang nasawi dahil sa kalunos-lunos na pangyayaring ito. Isang korean national ang gumawa, ano ang nagtulak sa kaniya para gawin ang ganitong bagay? Nagluluksa ngayon ang US dahil sa pangyayaring ito. Siguro nga maraming dapat pang tingnan upang hindi na maulit ang ganitong trahedya. Napag-usapan nga namin ni hubby na kahit ganito tayong mga Pilipino ay wala pa akong nabalitaan (iyan ay sa pagkakaalam ko) na ganitong mga pangyayaring pamamaril sa loob ng eskwelahan. Mahirap na bansa tayo pero mas mukang masasaya ang mga pinoy kesa sa ibang lahi. Sabagay talagang mas kumplikado ang buhay sa mauunlad na bansa. Sana ay ito na ang huling ganitong pangyayari sa US at sa iba pang bansa. Kaawa-awa ang mga kabataan na naputol ang kanilang mga pangarap dahil sa walang kwentang pagpatay.

Kahabag-habag din ang mga worker na pinugutan ng ulo ng mga Abu Sayyaf. Mga inosenteng biktima ng terorismo, naghahanap buhay lamang sila para sa kanilang pamilya at sarili pero sila pa ang napagdiskitahan. Sobrang nakakalungkot talaga.

Marami ring namamatay sa Iraq, Afganistan, at iba pang bansa. Hindi rin sila nawawala sa aking isipan. Sana matapos na ang ganitong kaguluhan. Maraming walang malay na civilian ang nadadamay. Maraming luhang umaagos, maraming buhay na nawawasak, maraming pangarap ang di natutupad. Sana maging maayos na ang lahat.

Rest in Peace!!!

death
Posted by Lani at 10:37 | Permanent Link | Comments (4)

Corruption – April 9, 2007

Tuwing araw ng Linggo ay inaabangan namin iyon palabas sa Channel 7 na Philippine Agenda. Eye-opener talaga ang programang ito. Kagabi ay ang ukol sa corruption ang tinalakay. Talagang nakakapanginig ng laman at buto ang mga nangyayaring katiwalian sa pamahalaan. Sobrang pangungurakot at pagnanakaw. Grabe ang tindi ng mga nakawan mula pa noon hanggang ngayon. Ang huling malaking isyu ay ang ginanap na ASEAN Summit sa Cebu, may mga poste na nabili lang ng P3,000+ ay binili naman ng gobyerno sa halagang P300,000 bawat isa. Nakupo namang kabalahuraan iyan, sobra na. Napakaraming kaso ng katiwaliang naisampa na sa Ombudsman, higit P20,000 na pero alam niyo bang 2 pa lang ang nahatulan. Hanep talagang buhay iyan, ang kakapal.

Bigla tuloy akong nag-isip, may nagagawa ba ako para makatulong sa paglaban sa corruption sa pamahalaan? Sa totoo lang inaamin ko na minsan ay nakagawa rin ako ng pangungunsinti sa katiwalian. May isang pagkakataon na nagawa kong magbigay ng lagay sa isang ahensiya ng pamahalaan. Imagine naman 2 days na akong pabalik-balik sa ahensiyang ito pero di pa rin naaayos ang mga papeles ko. Dahil sa sobrang init, pagod at hirap ko ay napilitan akong lumapit sa isang fixer. Siempre kapag may fixer may kasabwat sa loob, ayun natapos ang mga papeles ko nang madali dahil sa kakalagay sa mga empleyado sa loob. Alam ko namang mali iyon pero dahil sa kabagalan ng sistema kung walang gugulong na pera, napilitan akong gumawa ng pangungunsinti. Imbes na kasi serbisyo publiko ang ginagawa ng ilang mga tao na nasa gobyerno, pagpapayaman ang inaatupag nila. 

Marami rin akong nakikitang “kotong cops,” wala namang magawa iyong mga driver kundi magbigay sa kanila. Kahit na wala kang nagawang violation, bigla kang pahihintuin laluna’t oras ng almusal, tanghalian, meryenda at hapunan. Nag-iimbento ng ikakaso para makakuha ng pera sa mga kawawang driver. Kaya tuloy maraming walang disiplinang mga driver ngayon laluna ng mga pampublikong sasakyan kasi natatapatan naman ng pera ang ginagawa nilang paglabag. 

Siguro nga kaya maraming pinoy ang walang disiplina ngayon dahil na rin sa nakikitang katiwalian sa pamahalaan. Walang matanaw na pag-asa sa gobyerno dahil puro pagnanakaw ang ginagawa. Kung gusto mo ngang magnakaw na legal, pumasok ka sa pulitika. Iyan ang madalas sinasabi ng ilan. Oo nga naman, bakit nga ba kailangang magpatayan ang mga pulitiko dahil lang sa pwesto e kung titingnan mo ay napakaliit naman ng sweldo ng mga naglilingkod bayan. At iyang mga pulitikong iyan, milyon ang inuubos sa kampanya para lang manalo sa eleksyon. Esip-esip nga. 

Sabi nga ang pagtuturo raw sa pag-iwas sa katiwalian ay dapat magmula sa tahanan. Sa pagpapalaki ng anak, hindi dapat iba-bribe. Ok lang magbigay ng reward kapag nakagawa sila ng maganda pero mali iyong magbibigay tayo sa ating anak para sundin nila ang mga utos natin. At isa pa talagang dapat manindigan lahat tayo laban sa katiwalian, talagang siguro kailangan ng sakripisyo at mulat na isipan. Kasama rin diyan iyong pagsasalita, hindi tayo dapat magsawalang-kibo kapag nakakakita ng katiwalian. Sana nga magawa nating lahat ito para kahit paano mabawasan kahit bahagya ang cancer ng lipunan. Araw ng kagitingan ngayon, sana maging magiting tayong lahat para huwag ipagwalambahala ang katiwaliang laganap dito sa ating bansa. 

Pilipinas
Posted by Lani at 11:10 | Permanent Link | Comments (6)

Katahimikan – April 5, 2007

Nasanay na nga yata ako sa sobrang ingay dito sa lugar namin kaya naninibago ako ngayon at napakatahimik. Dahil katabi lang kami ng 4 na schools ay nasanay na ako sa gulo at ingay ng mga bata sa paligid. Pero may mga araw na talagang naiinis din ako sa ingay pero talagang ang tao ay walang kasiyahan dahil ngayon hinahanap ko naman ang tawanan, sigawan, at takbuhan ng mga bata.

Mula pa kanina pagkagising ko ng umaga ay hinahanap ko rin ang ingay ng mga nagbabasa ng pasyon dito sa paligid namin, pero nagtaka ako at wala akong narinig. Taon-taon namang may nagbabasa ng pasyon, ano kaya ang dahilan at wala ng pabasa ngayong? Siguro nga nababawasan na talaga ang mga nakaugalian na nating mga pinoy dito sa kalunsuran. Kasama kasi iyon sa nakalakihan ko na kaya siguro parang naninibago ako.

Nangako naman ang mga pulitiko na hindi sila mangangampanya at magsasalita ngayong mahal na araw. Salamat naman at sawang-sawa na ako kapag nakikita ko sila sa telebisyon at kapag lumalabas ako sa kalsada ay ka raming mga nangangampanya laluna nga’t nagsimula nang mangampanya ang mga local official.

May mga ingay talagang hahanap-hanapin ng iyong tenga katulad ng ingay ng mga batang nagkakasayahan. Nakakagaan din kasi ng pakiramdam dahil alam mong kahit na magulo ang mundo ay meron pa ring malutong na halakhak kang maririnig mula sa mga musmos na isipan. Pero ang hindi ko mami-miss ay ang ingay ng mga pulitiko na walang sawang ibuka ang bibig nila upang bigyang papuri ang kanilang mga sarili gayong sa totoo lang wala silang nagagawa na tatatak sa isipan ng sambayanang pinoy. Ito ang ingay na nakakasawa at kasumpa-sumpa (ang tindi, hehehe).

ingay
Posted by Lani at 18:14 | Permanent Link | Comments (4)

Pesteng virus – April 4, 2007

Hindi na ba matatapos ang problem ko sa PC, eto naman ngayon na-virus ako. Oo nga’t naayos na iyong sa loob ng system kaso naman mukang na-corrupt din itong IE ko. Everytime na papasok ako ay di ako makaderecho sa home site ko laging dini-direct ako sa safely.net na ewan at pinipilit akong bumili ng mga spyware at malware chuvah. Kesyo daw maiinfect ang PC ko if ever na di ako nakakuha ng software na iyon. May anti-virus naman na itong PC pero na-virus pa rin ako. Sabagay wala namang nangyaring masama kaya lang nadetect lang ng may nakapasok ngang virus.

Dito ako nagkakaproblem sa net, dito mukang bumabagal ang connection ko. Ang daming pop-ups at ads na lumalabas, nakukunsumi na ako. Siguro nga ay kailangang tanggalin ko na itong IE ko at ibang web browser na lang ang gamitin ko para wala ng ganitong kainisan. Mabuti nga at nakapasok ako dito sa blog.com. Napakatagal bago makapasok, muntik na akong sumuko. Sabagay kahit naman wala pang problem na ganito ay talagang mahirap nang pumasok dito sa blog. com. Type ko na ngang lumipat ng bahay kaya lang ang problem ko ay di ko ma-import ang mga entry ko dito sa ibang blog sites. Ok sana kung sa blogger.com or wordpress.com ako, madali ang pag-iimport. Mukang di kasi kasing popular ito noong mga site na iyon. Hindi nga popular pero ewan ko kung bakit napakahirap kumonnect dito.

Sencia na at naglabas lang ako ng kabwisitan sa ulo, mamaya darating na ang technician at sana ay maayos na lahat ito para saya ulit ang net life ko.

sentiments | virus
Posted by Lani at 08:52 | Permanent Link | Comments (0)

Buhay-nanay – April 2, 2007

Alam niyo bang teenager na ang anak ko, kaka-13 years old niya lang last March 23. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ay dumedede pa siya at nagda-diaper. Kailangan talagang i-enjoy ng mga magulang ang kanilang anak habang bata pa dahil napakabilis ng panahon at parang kisap-mata lang heto at may binatingting na ako. Feeling ko nga ni hindi nadagdagan ang age ko at bigla na lang siyang lumaki, hehehe.

Naaalala ko noong teenager ako laging sinasabi ng ilang nanay ng mga friend ko na malalaman lang daw namin ang hirap ng pagiging magulang kapag naging magulang na kami. Sa totoo lang hindi ko ito narinig sa bibig ng mama o ng papa ko, siguro dahil hindi siya nagger, hehehe. Hindi namin pinapansin iyon noon, siempre dahil sa bata pa ang isipan namin kaya deadma lang kami sa kung kahit na anong sabihin nila.

Ngayon ko naintindihan na totoo nga iyong sinasabi ng ilang nanay noon. Mahirap ang maging magulang. Laluna pala kapag dumating na sa adolescent stage ang anak mo. Hindi naman sa nag-iisip bata ako pero may mga pagkakataon na talagang napipikon ako sa anak ko. Naisip ko tuloy na siguro noong teenager din ako, sobrang pagkapikon ang inabot ng mama ko sa akin. Nakikita ko kasi sa anak ko ang sarili ko. Ito na nga yata ang tinatawag nilang karma. Nagsisimula na kasi siyang magkaroon ng sarili niyang mundo. Mayroon na ring mga friend na laging kasama kaya nga lang minsan inaabot ng 9pm sa labas. Hindi naman sila nagpupunta sa kung saan-saan kaya sila ginagabi kundi dahil sumali sila sa isang musical at theatrical group dito sa amin. Nagsisimula kasi ang practice ng 6pm at minsan nga natatapos na ng 9pm. Sabagay, ginawa ko rin iyan noon kaya lang nga naiisip ko naman iba ang panahon noon sa panahon ngayon. Ako nga na may edad na ngayon ay natatakot na abutin sa kalsada ng 7pm dahil sa ilang nasaksihan ko na rin na naikwento ko dito sa blog ko. Iba na ang panahon ngayon, noon lang nakaraang linggo ay may nabalita na bata na pilit isinasakay sa sasakyan ng 2 lalake para raw kasi maibenta ang kidney ng bata. Totoo man o hindi ang balita, naghahatid ito ng takot sa puso ko. Iba na rin ang pangangatwiran ng bata ngayon, minsan parang napapaisip ako na tama nga yata siya at mali ako. Nakakakumbinsi kasi ang katwiran niya, parang abogado ang luko. Sabi ko nga paglaki niya dapat maging abogado siya kasi kaya niyang itama ang mali at maliin ang tama.

Mabuti naman at honest ang anak ko sa amin, lahat ng mga nangyayari sa buhay niya ay ikinukwento niya. Pero napapansin ko mas marami siyang kwento sa papa niya kesa sa akin siguro dahil sa pareho silang lalake. Minsan di ko maiwasang maging nagger. Hindi naman nga nagger ang mama ko pero ako ay nagiging nagger. Sabi nga ng anak ko, isang salita lang daw niya, e katakut-takot na salita ang naririnig niya sa akin. Ine-explain ko sa kaniya na kaya lang naman ako masalita para matanim ito sa isip niya. Mas mahirap namang magsawalang kibo ako. Saka ewan ko ba talagang daldakina ako mula pa bata ako, hehehe.

Siguro nga kailangan ng mga anak natin ng konting laya. Ayaw ko rin namang masakal siya sa sobrang proteksyon at pag-aalala ko. Dapat nga lang na busugin siya sa pangaral para kahit saan siya naroon ay baon niya ito sa puso niya. At siempre kapag umaalis talaga ng bahay ang mga mahal natin sa buhay, prayers na lang talaga ang maipababaon natin sa kanila. Dahil hindi naman maaaring sa lahat ng lakad ng anak ko ay nakabuntot ako. Kailangan niya rin ng sarili niyang diskarte, sarili niyang oras para sa sarili niya.

rearing | son
Posted by Lani at 07:35 | Permanent Link | Comments (0)

My New Baby

I’m so excited with my new baby. He is really gorgeous.

          

This is really a gift from God. Three angels were instrumental in making my dream to have a new monitor a reality. We really appreciate their thoughtfulness and concern. Words cannot express how grateful we are to our 3 angels. From the bottom of our hearts, thank you verrrrrrrrrrrrryyyyyyyyy muchhhhhhhhhhh.

Erratum:   Sa previous post ko ay  nailagay ko na “electrical bill,” namali ang lola niyo, dapat “electricity bill.” Sorry po at di ko na ma-edit un napakahirap pumasok dito sa blog.com kaya dito ko na lang sa new post itinama.

Posted by Lani at 09:51 | Permanent Link | Comments (15)

Nagpaparamdam

Hello mga friendship, medyo natagalan bago ako nakapag-blog ulit. E paano ba naman sunud-sunod na kabwisitan ang nangyari. Sa totoo lang may problem ang monitor ko kaya matagal na hindi namin nagamit ang PC. Akala ko nga guguho na ang mundo ko dahil hindi ko na masisilayan ang www. Medyo hinayang naman akong bumili ng bagong monitor dahil sa kaka-1 year ko pa lang nabili ito at brand new naman. Kaya eto medyo pinagtiatiagaan munang gamitin kahit na nagluluko na.

Ikalawa, dahil sa kabagalan ng aking internet connection ay nahihirapan akong makapasok sa blog.com. Ngayon nga lang ako ulit nakapasok dahil alas-4:19 ng madaling araw at konti pa lang ang gumagamit ng internet. Gustuhin ko mang magpa-DSL ay di kaya ng budget ko. Summer na naman at siguradong tataas na naman ang electrical bill namin kaya tipid-tipid muna at tiaga sa mabagal na dial-up connection.

Twice din akong dumalaw sa internet cafe noong magsimulang magluko ang monitor namin pero di na ako umulit. Aba naman napakabaho ng amoy sa loob noong unang punta ko, nagkalat ang mga student na naroroon. Puro amoy pawis dahil sa pagkagaling sa school ay takbuhan na sa internet shop ang mga loko. At naaalarma lang naman ako ha, aba kapitbahay lang ng mga school ang mga internet/computer shops. Sa totoo lang, bawal ito pero alam mo naman dito sa Pinas nababalewala ang batas. Marami na rin kasing mga bata na naaadik sa paglalaro ng computer. Sa katunayan iyong isang friend ko ay malaki ang problem sa anak niya, mukang babagsak at uulit ng 3rd year high school dahil sa hindi na nga nagpapapasok at adik na sa kakalaro ng computer. Kakaawa naman si friend ko dahil single mom siya at talagang kayod kalabaw siya tapos nangyari pa iyon sa anak niya. Iyong ikalawang punta ko naman sa internet cafe ay konti nga ang mga student at walang mabahong amoy kaso naman may malaking daga na biglang lumabas. Dios ko, mamatay ako sa takot. Hindi kaya ng powers ko ang daga. Kaya never na akong bumalik at nagtiaga na lang ako na maremedyuhan itong monitor namin.

Ok na rin naman ang blood pressure ko, medyo napababa ko na kaso lagi pa ring mainit ang ulo ko. Ewan ko ba kung bakit tag-topak ako ngayong mga panahon na ito. Siguro dahil na rin sa init ng panahon at dami ring isipin. Natutuwa rin naman ako at magbabakasyon na, medyo bawas ng stress sa buhay iyon. Kaya ieenjoy ko ang summer na ito kahit pa gaano kainit.

Gusto ko ring mag-lose ng weight. Magagawa ko na iyon ngayon dahil magkakaroon na ako kahit paano ng time na makapag-exercise at makadalaw sa gym paminsan-minsan. Kailangan ko nang magbawas ng timbang at dami ng sakit na dumadapo sa akin dahil sa bigat ko. Nasa lahi kasi namin ang obesity, kaya kailangan kontrolin ito.

Next madaling araw ulit at magkwekwento pa ako, iintindihin ko pa kasi ang kakainin ng inakay ko kaya babu muna. Sa inyong lahat na walang sawang dalawin ako sa blog ko, maraming salamat. I miss you all na talaga. At pipilitin kong makapag- blog hopping at talagang gusto ko na makabalita sa inyo.

missing you
Posted by Lani at 03:29 | Permanent Link | Comments (4)

Meme atbp

Its meme time!! I was tagged by Curacha to tell about six random facts about myself.

1. I am very emotional. Madali akong umiyak kahit na sa simpleng bagay lang. I don’t know why, 3 times ko nang pinapanood ang “My Bestfriend’s Wedding” ay lagi pa rin akong naiiyak. Kaya ngayon di na ako gaanong nagnonood ng mga drama at love story na pelikula, kasi nakakapagod na ang pag-iyak (hehehe).

2. I have a good sense of humour according to my friends. Ako daw ang ”joker” ng grupo, lagi ko silang napapatawa sa mga pinagsasasabi ko. Gemini ako kaya siguro 2 faces ako, isang umiiyak at isang tumatawa parang showbiz (lol).

3. I am a very friendly person, at sobrang loyal din ako sa mga friendship ko. Meron ‘ata akong radar at kahit nasaan ang mga friend ko ay natutunton ko sila. Even iyong mga friends ko noong high school, may communication pa rin kami hanggang ngayon. Nagugulat nga sila at bigla silang nakakareceive ng email or snail mail mula sa akin. I think aso ako sa aking past life, naaamoy ko ang scent nila kahit sa malayo (lol).

4. May artist blood ako, mahilig mag-drawing at sketching. Ang lolo ko kasi ay naging silver medalist sa painting noong 1940′s or 50′s yata, basta hindi pa ako ipinapanganak noon. Kaya lang hindi niya ipinagpatuloy iyon dahil nafocus siya sa engraving. Siguro kaya may topak ako sa ulo, may mood swing ako dahil sa ako ay artist sa kaloob-looban ng aking atay at balun-balunan (hehehe).

5. I am addicted to chocolates. Sobrang lakas ko sa pagkain nito, kaya kahit di ako gaanong magkakain ng ibang food dahil sa dami ng kinakain kong chocolates ay di talaga mababawasan ang weight ko. Sa isang upuan ay kaya kong ubusan ang 500 gms na chocolates, dere-derecho at may katabi lang isang pitcher ng tubig.

6. Sobra ang pride ko sa katawan laluna sa hubby ko. Kahit nagseselos ako ay di ko pinapakita sa kaniya, feeling maganda ako lagi kahit sometimes naiinsecure din. Mabuti na lang at di niya alam itong blog ko kaya di niya malalaman na naiinsecure din ako. Grabe sa pride chicken ano?

meme
Posted by Lani at 17:24 | Permanent Link | Comments (6)

Kapal ng Mukha?

Heto na, heto na ang eleksyon at nagkakagulo na naman ang magagaling na pulitiko. Sa Peb. 12 pa ang huling araw ng pagpa-file ng candidacy kaya hindi pa tiyak kung sino ang talagang mga tatakbo o hindi. Pero sa kabila noon marami nang nagpapakita ng mga pagmumukha nila sa TV at maging sa mga poster sa kalsada.

Ang alam ko ay bawal pang mangampanya pero noong pang Disyembre ay nakahambalang na ang mga mukha nila sa posters, billboards at maging telebisyon. Nariyang may bumabati ng pasko at bagong taon at siempre pati na rin pagbati sa mga fiesta. Merong mga proyektong panlansangan na biglang ginawa at ang nakakainis ay nakasuot ang mga trabahador ng t-shirt na may pangalan ng pulitiko. Ano ba namang gimik iyan?

Matagal nang tapos ang pasko ay bumabati pa rin ang pamilya ni Recto sa TV, siempre sabi ng bunsong anak niya, “Ko-Recto.” Pahuhuli ba naman si Villar na ginamit pa ang ilang magagandang artistang babae para naman sa kapakanan daw ng mga kababaihan. Ok sana iyong message kaya lang biglang nakita ko ang mukha ni Villar, nag-isip tuloy ako kung babae siya (hehehe). Pahuhuli ba si Angara, “ang gara ng buhay.” Pinapakita ang mga batas nya na naipasa na pinakinabangan ng mga kabataan, matanda, at maysakit. Huwag nating kalimutan si “Tol Mike Defensor,” siya ang utol ng bayan (hehehe). Kahit na may edad na rin si Osmena ay naroon pa rin ang kaniyang “Tatak Osmena.”

Kahit naman mapurol ang utak ko, masyado namang “obvious” na pangangampanya na ang ginagawa ng mga taong ito. Malinaw na malinaw naman kahit pa hindi nila sabihin na iboto sila. Malaki kasi ang impact ng mass media sa ikapapanalo ng isang pulitiko. Kaya nga rin maraming artistang nananalo sa eleksiyon ay dahil na rin sa exposure nila sa telebisyon at pelikula. Meron ngang ilang nagsasabi na napakaliit lang daw ng pagkakaiba ng showbiz at pulitika.

Nakakalungkot lang isipin na hindi nasusunod ang batas at patakaran sa bansang ito. Paano masusunod e mismong iyong nasa posisyon ang siyang unang lumalabag. Nakakasawa na ang ganitong istorya, wala nang pagbabago. Pero anong magagawa ko, sa Mayo pa ang eleksyon kaya inaasahan ko na puro mukha ng pulitiko ang babandera sa akin sa loob at labas ng bahay namin. Hay! no escape talaga.

politics | election
Posted by Lani at 10:08 | Permanent Link | Comments (9)